Quantcast
Channel: Education – UNTV News
Viewing all 142 articles
Browse latest View live

5 Unibersidad sa Pilipinas, kabilang sa Top 300 Asian Schools

$
0
0
FILE PHOTO: Ang UST ay isa sa 5 paaralan sa bansa na nakapasok sa Top 300 Asian Schools batay sa pagtatala ng Quacquarelli Symonds.   (SOPHIYA BALUYOT /  Photoville International)

FILE PHOTO: Ang UST ay isa sa 5 paaralan sa bansa na nakapasok sa Top 300 Asian Schools batay sa pagtatala ng Quacquarelli Symonds. (SOPHIYA BALUYOT / Photoville International)

MANILA, Philippines — Muling nakapasok ang limang unibersidad mula sa Pilipinas sa Top 300 Asian Universities ngayong taon.

Batay sa listahan ng London-based education and career network Quacquarelli Symonds, kabilang sa mga ito ang University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City na nasa ika-67 pwesto.

Kabilang rin ang Ateneo De Manila University (ADMU) na nasa ika-109 pwesto; University Of Santo Tomas (UST), De La Salle University (DLSU) at ang University of Southeastern Philippines.

Nanguna naman sa listahan ng Top University ang Hong Kong University of Science and Technology sa tatlong magkakasunod na taon.

Pangalawa ang National University of Singapore, University of Hong Kong, National University of South Korea, Peking University sa China at Korea Advanced Institute of Science and Technology.

Ang paghahanay sa mga unibersidad ay batay sa academic and employer reputation, dami ng populasyon ng mga guro at naka-enrol na local at international students. (UNTV News)


P4.5-B pondo para sa itatayong classrooms at school facilities, inilabas ng DBM

$
0
0
GRAPHICS: Support fund for DepED released by DBM (UNTV News)

GRAPHICS: Support fund for DepED released by DBM (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) na gagamitin sa pagsasaayos at dagdag na mga pasilidad sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa.

Kabuuang P4.5 billion na pondo ng inilaan sa DepED para sa requirement of basic education facilities.

Mahigit isang bilyon sa kabuoang halaga ay gagamitin sa pagsasaayos ng mga silid aralan at konstruksyon ng mga water sanitation facility sa mga public school sa Regions 3,4A at 6.

Ayon kay Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, malapit nang makumpleto ng administrasyon ang kakulangan ng mga kagamitan sa mga pampublikong eskwelahan na makatutulong upang lalong tumaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Matatandaang inaprubahan na din ng DBM ang mahigit 60-libong teaching positions upang tugunan ang kakulangan ng mga guro sa mga pampublikong eskwelahan. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)

Emergency class schedule, ipapatupad na ng DepED sa Metro Manila

$
0
0
FILE PHOTO: Ang pagbaha sa campus ng isang paaralan sa Maynila nitong June 13 dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. (SOPHIYA BALUYOT / Photoville International)

FILE PHOTO: Kasama sa binaha ay ang campus ng isang paaralan sa Maynila nitong June 13 dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. (SOPHIYA BALUYOT / Photoville International)

MANILA, Philippines – Epektibo na ang emergency class schedule ng Department of Education (DepED) na ipatutupad sa tuwing magkakaroon ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.

Ito’y bilang tugon sa panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pauwiin ng maaga ang mga estudyante kapag mayroong babala ng malakas na pag-ulan mula sa PAGASA.

“The secretary has enjoined the division especially in the National Capital Region to shorten the period, shorten the classes and dismiss early in the event na mayroong anticipated inclement weather advisory on heavy rains, thunderstorms and the like,” pahayag ni DepED-NCR Director Luz Almeda.

Ngunit paglilinaw ng DepED na kailangan pa ring bawiin ang mga nabawas na oras ng klase upang mabuo ang mahigit dalawandaang school year calendar.

“We would like to require the division schools na kung nag-reduce sila ng number of minutes, babayaran nila yun,” ani Almeda.

Sinabi rin ng kagawaran na hindi na sa kanila manggagaling ang paghahayag ng suspensyon ng klase kundi sa lokal na pamahalaan.

“Yung suspension ngayon based on the order, ang mayor ang magus-suspend,” pahayag pa ni Almeda. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Mahigit 400,000 public school teachers, makakatanggap ng bonus sa susunod na linggo

$
0
0
FILE PHOTO: Public school teachers (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Public school teachers (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng bonus sa susunod na linggo ang mahigit apat 400-libong public school teachers sa bansa.

Ayon kay Education Assistant Secretary Jesus Mateo, isinumite na nila noong Biyernes sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga requirement para sa mga makatatanggap ng bonus.

Ang matatanggap na bonus ng mga guro ay hindi batay sa individual performance ng mga ito kundi sa performance ng paaralan.

Tinatayang aabot ng P5,000 hanggang P35,000 ang halaga ng bonus na matatanggap ng mga public school teacher. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)

Klase sa elementarya at high school sa QC, kanselado ngayong araw kaugnay ng SONA ni Pangulong Aquino

$
0
0
FILE PHOTO: Batasan Hills High School gate (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

FILE PHOTO: Batasan Hills High School gate (GAYE FRITZ OFILAS / Photoville International)

MANILA, Philippines  — Suspendido ngayong araw ang klase sa elementary hanggang high school sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino.

Ang suspensyon ay para na rin sa seguridad ng mga estudyante at upang maibsan ang pagbibigat ng trapiko sa pagdagsa ng mga dadalo sa SONA ng pangulo sa Batasang Pambansa.

Nagkansela na rin ng pasok ngayong araw ang Quezon City Polytechnic University-Batasan branch, habang ipinauubaya na sa Commission on Higher Education (CHED) at pamunuan ng paaralan ang pagkansela sa ibang kolehiyo at unibersidad.

Paalala naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi holiday ngayong araw kaya’t ipatutupad pa rin sa Metro Manila ang number coding scheme. (UNTV News)

Pasok sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan, kanselado ngayong araw dahil sa Bagyong Labuyo

$
0
0
FILE PHOTO: Ang paaralan ng Calumpit Central School sa Bulacan na lubog sa baha noong August 06, 2012. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang paaralan ng Calumpit Central School sa Bulacan na lubog sa baha noong August 06, 2012. (RODGIE CRUZ / Photoville International)

MANILA, Philippines – Suspendido ngayong araw ang klase sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa Bagyong Labuyo.

Ayon sa Department of Education (DepED) at Local Government Units (LGU’s), walang pasok sa pampubliko at pribadong paaralan mula pre-school hanggang elementary sa Maynila, Tagaytay, Taguig at Malabon.

Suspendido naman ang klase hanggang high school sa Mandaluyong, Makati, Las Piñas, Caloocan, Muntinlupa, Cainta, Angono, Rodriguez at Tanay sa Rizal, Pasig, Pasay, Paranaque, Cavite, Abra, Angeles City sa Pampanga at Bulacan.

Suspendido rin ang klase sa public elementary hanggang high school sa Navotas at mga flood prone areas sa Valenzuela.

Lahat ng antas naman sa pribado at pampublikong paaralan ang walang pasok sa Pateros, San Juan, San Mateo Sa Rizal, Laguna at Quezon City. (UNTV News)

Makeup classes sa mga estudyanteng naapektuhan ng nagdaang kalamidad, iniutos na ng DepED

$
0
0
FILE PHOTO: Ang mga batang ito na yakag yakag ng kanilang tatay sa pagtawid ng baha noong nakaraang linggo sa pananalasa ng bagyong Maring ay sasagupa naman sa make-up classes na ipinapatupad ng DepEd sa mga paaralan upang mabawi ang ilang mga araw na walang pasok. (RUSSELL JULIO / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang mga batang ito na yakag yakag ng kanilang tatay sa pagtawid ng baha noong nakaraang linggo sa pananalasa ng bagyong Maring ay sasagupa naman sa mga make-up classes sa susunod na mga araw na ipinapatupad ng DepEd sa mga paaralan upang mabawi ang ilang mga araw na nawalan ng pasok. (RUSSELL JULIO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Iniutos na ng Department of Education (DepED) ang pagsasagawa ng makeup classes para sa mga mag-aaral na isang linggong suspendido ang klase dahil sa Habagat at Bagyong Maring.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, dapat na mapalitan ang mga nasayang na araw ng pag-aaral  ng mga mag-aaral.

Batay sa curriculum ngayong taon, required na pumasok ang mga estudyante ng 180 araw.

Ipinauubaya naman na ni Luistro sa mga school superintendent ang paraan ng pagsasagawa ng remedial classes. (UNTV News)

27 estudyante, nagsipagtapos sa short training courses program ng Aksyon ni Kuya

$
0
0
Ang mga mag-aaral na nagtapos sa libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program (UNTV News)

Ang mga mag-aaral na nagtapos sa libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program (UNTV News)

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan, nagtapos na ang 27 mga estudyante na mapalad na nakatanggap ng libreng technical training ng Aksyon ni Kuya short training courses program nitong Biyernes, August 30, 2013.

Ito ay bahagi ng public service ni Kuya Daniel Razon na makapagbigay ng libreng edukasyon sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan nito, mayroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na makapag-training kahit hindi sila nakapagtapos ng pagaaral.

Bilang tulong ay irerefer ang mga bagong graduate sa mga kumpanyang may kaugnayan sa SOFIA para mabilis silang magkaroon ng trabaho.

Tutulungan din sila ng SOFIA maging sa pagkuha ng lisensya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Professional Regulation Commission (PRC).

“We are hoping na kung ano man ang matutunan nila dito sana ay magamit nila yun para sa sarili nila at sa pamilya nila, makatulong sila sa maraming mga tao at kababayan at makatulong sila kung saan man sila mapuntang kumpanya,” pahayag ni SOFIA Training and Review Director, Engr. Reginaldo Marinay.

Walang pinipiling edad ang training, basta’t pursigidong matuto ay tatanggapin at tuturuan ng SOFIA.

Nagpapasalamat naman ang mga nagsipagtapos dahil sa napakagandang pagkakataon na makapag-aral ng libre.

Laking pasasalamat naman ng mga estudyante dahil nabigyan sila ng pagkakataong makapag aral ng libre.

“Maraming salamat po at naanyayahan po ako, na naka-attend po ako sa pagaaral na ito,” ani Victor Dilasan.

Ayon naman kay Reynante Campano, “nagpapasalamat ako sa UNTV na nag-sponsor po para sa libreng paaral sa electrician at sa powerhouse na sila po yung nagtuturo kung wala po ito siguro problema ko pa din yung pagaaral.”

Kabilang sa mga short courses na libreng inaalok ng SOFIA at UNTV ang building and wiring installation.

Inaasahan na sa mga susunod na panahon ay magbubukas pa ng mas maraming kurso ang Aksyon ni Kuya na maaaring pasukan ng maraming Pilipino. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Klase sa mga paaralan sa “non-critical” areas sa Zamboanga City, tuloy na sa pagbubukas ng klase bukas

$
0
0
FILE PHOTO: Ang ilang mga kabataan na namamalagi sa mga evacuation centers gawa na nagpapatuloy na sagupaan ng pwersa ng MNLF rebels at pwersa ng Gobyerno sa Zamboanga City. (DSWD)

FILE PHOTO: Ang ilang mga kabataan na namamalagi sa mga evacuation center gawa ng nagpapatuloy na sagupaan ng pwersa ng MNLF rebels at pwersa ng Gobyerno sa Zamboanga City. Dahil sa krisis na ito ay apektado ang kanilang pag-aaral ngunit sa mga paaralan na nasa ilalim ng ‘non-critical’ areas ay magpapatuloy na ang pasok ng mga klase ngayong Miyerkules, Setyembre 25, 2013. (DSWD)

ZAMBOANGA CITY, Philippines – Naghahanda na ang mga guro at school officials sa Zamboanga City sa muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa lungsod na naapektuhan ng standoff.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar, bubuksan na bukas, araw ng Miyerkules ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa mga “non critical areas sa lungsod.

Mananatili namang suspendido ang pasok sa halos limampung paaralan na nasa loob ng critical zones.

Mahigit dalawang linggong nasuspinde ang klase sa mga paaralan sa Zamboanga City dahil sa nagpapatuloy na sagupaan ng militar at pwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF). (UNTV News)

Libu-libong scholars sa isang paaralan sa Davao City, posibleng matigil sa pag-aaral kung tuluyang aalisin ang PDAF

$
0
0
“Ngayong 2nd Sem our problem because this scholars may not be able to enroll  considering that there is a TRO from the Supreme Court  about the release of these PDAF Funds baka hindi yan aabutin sa second semester.” — University of South Eastern Philippines President Dr. Perfecto Alibin. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

“Ngayong 2nd Sem our problem because this scholars may not be able to enroll considering that there is a TRO from the Supreme Court about the release of these PDAF Funds baka hindi yan aabutin sa second semester.” — University of South Eastern Philippines President Dr. Perfecto Alibin. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

DAVAO, Philippines — Pinangangambahang matigil sa pag-aaral ang higit sa apat na libong mga mag-aaral sa University of South Eastern Philippines na kabilang sa scholarship programs ng mga kongresista, senador at mga partylist group ngayong second semester.

Ayon kay Dr. Perfecto Alibin, ang Presidente ng USEP, posibleng hindi na mabayaran ang tuition fee sa 2nd Semester ng mga scholar kapag hindi ito napondohan ng mga mambabatas bunsod ng ipinatutupad na temporary restraining order sa pork barrel.

Pahayag ni USEP Pres. Dr. Alibin,Ngayong 2nd Sem our problem because this scholars may not be able to enroll  considering that there is a TRO from the Supreme Court  about the release of these PDAF Funds baka hindi yan aabutin sa second semester.”

Dahil dito, pinayuhan na ng pamunuan ng University of South Eastern Philippines ang mga mag-aaral na maghanap ng paraan upang personal bayaran ang kanilang matrikula.

Sa ulat ng University of South Eastern Philippines mayroong 4,111 na mga estudyanteng pinapa-aral ng mga pulitiko mula sa kanilang Priority Development Assistance Fund na kabilang sa mga soft project.

Ani Alibin, “In fact, ini-aadvance ko na yan sa mga scholars and our faculty so that they can prepare their mindset and they can also prepare their money for the second semester enrollment.”

Ayon pa kay President Alibin, kung tuluyan mang tatanggalin ang PDAF ng mga mambabatas, sana ay ipatupad ito sa susunod ng taon at patapusin na muna ang kasalukuyang school year upang hindi malagay sa alanganin ang mga scholar ng mga mambabatas.

Hindi naman tutol ang presidente ng unibersidad kung patuloy pa ring idadaan sa mga kongresista ang pondong para sa scholarship program dahil mas kilala aniya ng mga ito ang kanilang mga constituents. (LOUELL REQUILMAN / UNTV News)

1,000 mag-aaral, nakilahok sa 1st National Letter Writing Day

$
0
0
1st National Letter Writing Day - Philippines Filipino grade school students write a letter during the 1st National letter writing day inside a mall in Davao City,Southern Philippines, 09 October 2013. Traditional letter writing are now being threatened by modern communication system such as Mobile Messaging, Emails and social media messenger. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

1st National Letter Writing Day – Philippines
Filipino grade school students write a letter during the 1st National letter writing day inside a mall in Davao City,Southern Philippines, 09 October 2013. Traditional letter writing are now being threatened by modern communication system such as Mobile Messaging, Emails and social media messenger. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nakilahok ang may isang libong estudyante mula sa elementarya at high school sa kauna-unahang National Letter Writing Day, kaugnay ng pagdriwang ng World Post Day nitong Miyerkules, Oktubre 9, 2013, sa SM North EDSA, Quezon City bukod pa ito sa mga nakiisa sa SM Baguio, SM Pampanga, SM Baliwag, SM Naga, SM Consolacion, SM Iloilo at SM Davao.

Pinangunahan ito ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepED), Komisyon ng Wikang Filipino at SM Supermalls.

Ayon kay PhlPost Master General Josie Dela Cruz, “paraan ito para manatili ang tamang grammar, tamang spelling na unti-unting sinisira ng makabagong pamamaraan ng teknolohiya ng expression ngayon.”

Sinabi ni DepED Education Program Specialist Annasol Reyes, paraan din ito upang mahikayat ang mga estudyante na ibalik ang kanilang hilig sa pagsusulat.

Layunin din ng pagdiriwang na hikayatin at maimulat ang mga estudyante sa kahalagahan ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagsusulat .

“This is to encourage our students to renew their friendship and their love for letter writing,” ani Reyes.

Samantala, nagbabala naman ang Philippine Postal Corporation sa mga kababayan natin na magpapadala ng mga packages sa kanilang mga kaanak ngayong nalalapit na holiday season.

Pahayag ni Cruz, “sana po wag silang nag-iipit ng pera sa sulat, mura lang naman ngayon yung ipapadala ng remittance talaga kahit na international or domestic, safe pa.”

Paalala ng PhilPost, siguruhing magpadala ng maaga upang matiyak na makararating sa tamang oras ang ipadadalang mga package. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Visayas, balik na ngayong araw

$
0
0
Limang araw matapos tamaan ng malakas na lindol ang Central Visayas, nagbukas nang muli ang mga klase sa ilang bahagi nito tulad nang sa ilang bayan sa Cebu. (JAMES VERCIDE / PHOTOVILLE International)

Limang araw matapos tamaan ng malakas na lindol ang Central Visayas, nagbukas nang muli ang mga klase sa ilang bahagi nito tulad nang sa ilang bayan sa Cebu. (JAMES VERCIDE / PHOTOVILLE International)

PASIG CITY, Philippines — May pasok na ngayong araw ang mga paaralan sa ilang bahagi ng Visayas, ilang araw matapos ang pagtama ng malakas na lindol.

Ayon sa Department of Education, kabilang sa mga magbabalik-eskwela ang mga estudyante sa Toledo, Danao at Naga City sa Cebu.

Gayun din sa probinsya ng Negros Oriental at sa mga bayan ng Tanjay, Bayawan, Dumaguete at Guihulngan.

May pasok na rin ngayong araw ang mga paaralan sa bayan ng La Carlota, Sagay, Kabankalan, San Carlos, Silay at Bacolod sa Negros Occidental.

Balik-eskwela na rin ang mga paaralan sa Ilolo Province, kasama na ang sa Passi at Iloilo City.

Kasama rin sa muling magbubukas ng klase sa Roxas City, Capiz, Siquijor Province at sa lalawigan ng Aklan at Antique.

Samantala, sa October 23 naman, araw ng Miyerkules, mag-reresume ang pasok sa mga paaralan sa Bogo City, Cebu pati na sa lalawigan ng Bohol.

Ang klase naman sa iba pang pribadong paaralan ay naka-depende sa magiging desisyon ng school administrator. (UNTV News)

Ilang paaralan sa Cebu, walang pasok mula Nov. 11 hanggang 15

$
0
0
Ang Mabolo Elemnetary School sa Mandaue City ay ginawang evacuation center ng mga residenteng nakapaligid dito nitong Nobyembre 08, 2013. Sinuspinde ngayon ang mga pasok sa eskwelahan sa ilang mga bayan ng Cebu dahil sa pinsalang tinamo mula sa pananalasa ni Yolanda. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

Ang Mabolo Elemnetary School sa Mandaue City ay ginawang evacuation center ng mga residenteng nakapaligid dito nitong Nobyembre 08, 2013. Sinuspinde naman ngayon hanggang sa Biyernes ang mga pasok sa eskwelahan sa ilang mga bayan ng Cebu dahil sa pinsalang tinamo mula sa pananalasa ni Yolanda. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)

CEBU CITY, Philippines — Suspendido ang klase sa elementarya at sekondarya sa siyam na bayan sa Cebu mula ngayong Lunes, Nobyembre 11 hanggang 15.

Kabilang sa mga walang pasok ang mga sumusunod na bayan:

Sogod

Borbon

Tabogon

San Remigio

Medellin

Daan-bantayan

Madrilejos

Santa Fe

Bantayan

Layon nitong bigyan ng panahon na maisaayos ang mga naapektuhang silid-aralan sa pananalasa ng Bagyong Yolanda. (UNTV News)

LVCC students at Bread Society, nakiisa sa relief operations para sa mga sinalanta ng Bagyong Yolanda

$
0
0
Students of La Verdad Christian College Caloocan and Members Bible Readers Society International volunteered at the repacking operation of relief goods at the covered courts of the Department of Agrarian Reform in Quezon City this Wednesday, November 20, 2013. This repacking operation is organized by the GAWAD KALINGA and PILIPINAS NATIN — a flagship campaign of the PCOO Office for Special Concerns — in partnership with the Department of Agrarian Reform,  Presidential Communications Operations Office, Philippine Information Agency, Philippine Television, EDSA People Power Commission and others.This show of support is coinciding the efforts of Bro. Eli Soriano of Ang Dating Daan and Mr. Public Service Kuya Daniel Razon to help our fellowmen at the Visayas Region in distress caused by the Super Typhoon Yolanda. (PHOTOVILLE International)

Students of La Verdad Christian College Caloocan and Members Bible Readers Society International volunteered at the repacking operation of relief goods at the covered courts of the Department of Agrarian Reform in Quezon City this Wednesday, November 20, 2013. This repacking operation is organized by the GAWAD KALINGA and PILIPINAS NATIN — a flagship campaign of the PCOO Office for Special Concerns — in partnership with the Department of Agrarian Reform, Presidential Communications Operations Office, Philippine Information Agency, Philippine Television, EDSA People Power Commission and others.This show of support is coinciding the efforts of Bro. Eli Soriano of Ang Dating Daan and Mr. Public Service Kuya Daniel Razon to help our fellowmen at the Visayas Region in distress caused by the Super Typhoon Yolanda. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Nakiisa ang mga mag-aaral at instructors ng La Verdad Christian College (LVCC) at miyembro ng Bible Readers Society International sa relief operations para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Pansamantalang ipinagpaliban ng mga estudyante ang ilan sa kanilang klase at sama-samang nag-volunteer sa pagre-repack ng mga relief goods sa operation “Walang Iwanan” ng Gawad Kalinga sa Quezon City.

“Yung mga magka-klase ngayon nung nalaman na merong ganitong operation pati mga instructor sumama na rin para makatulong,” pahayag ni Jensen Sobrejuanite, NSTP Instructor.

IMAGE_NOV202013_UNTV-News_Photoville International_RAYMOND BALA LACSA_RELIEF GOODS REPACKING_LA VERDAD_BREAD SOCIETY_3

Ayon sa mga mag-aaral, inspirasyon nila sa pagtulong sa kapwa ang adbokasiya ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na “Ang pag-gawa ng mabuti ay hindi magbubunga ng masama”.

Pahayag ni Andrew, “Yung pagbo-volunteer lang po kahit isang tao mabibigyan… basta po nakatulong ako masaya po.”

“Salamat po sa Diyos, kasi in a little way maliit na bagay to.. di man ako makabigay ng pera wala man akong maibigay sa kanila at least yung pagtulong ko sa pag-rerepack… basta sobrang saya,” pahayag naman ni Rozen.

IMAGE_NOV202013_UNTV-News_Photoville International_RAYMOND BALA LACSA_RELIEF GOODS REPACKING_LA VERDAD_BREAD SOCIETY_2

Sumama rin sa relief operations ang Bread Society International.

“Lagi po naming sasamantalahin na bawat pagkakataon na gagawin na gumawa ng mabuti sa kapwa  lalo na yung mga nasalanta.. kaya andito po kami ngayon tumutulong sa pagre-repack ng relief goods,” saad naman ni Gerlo Kevin Real.

Nagpapasalamat naman ang “Walang Iwanan” sa ginawang pagtulong ng mga estudyante ng La Verdad Christian College at mga miyembro ng Bread Society.

Patuloy rin itong humihikayat ng mga volunteer para tumulong sa repacking ng relief goods para sa ating mga kababayan sa Visayas.

“Pumunta po kayo dito sa DAR Gym… open pa po ang operation Walang Iwanan hangagang Sunday… ine-encourage po namin kayo na hapon pumunta hanggang gabi para makatulong po tayo sa paglo-load ng mga relief goods sa mga truck,” saad nito. (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)

IMAGE_NOV202013_UNTV-News_Photoville International_RAYMOND BALA LACSA_RELIEF GOODS REPACKING_LA VERDAD_BREAD SOCIETY_4

Mga estudyante sa Leyte at Samar, balik-eskwela na ngayong araw

$
0
0
Ang ilan sa mga estudyante ng Rizal Central School sa Tacloban na pumasok na sa kanilang klase. (UNTV News)

Ang ilan sa mga estudyante ng Rizal Central School sa Tacloban na pumasok na sa kanilang klase. (UNTV News)

LEYTE, Philippines — Balik-eskwela na nitong Lunes ang mga estudyante sa Samar at Leyte, ilang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Sa makeshift classrooms muna magkaklase ang mga mag-aaral dahil hindi pa maaaring gamitin ang mga silid-aralan na napinsala at nagiba ng bagyo.

Ayon naman sa Department of Education (DepED), wala munang formal classes at sa halip ay stress debriefing ang gagawin upang maalis ang trauma ng mga mag-aaral sa naranasang kalamidad.

Sinabi ng DepED na hindi lahat ng paaralan sa dalawang lalawigan ay magbubukas dahil bukod sa nasira marami pa ang hindi nalilinis. (UNTV News)


Pagsasagawa ng bar exams sa labas ng Metro Manila, pinag-aaralan ng SC

$
0
0
FILE PHOTO: Supreme Court En Banc (UNTV News)

FILE PHOTO: Supreme Court En Banc (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ngayon ng Korte Suprema ang kahilingan na isagawa ang bar examinations sa labas ng Metro Manila para sa mga examinee na taga-Visayas at Mindanao sa mga susunod na taon.

Nanggaling ang request sa Sangguniang Panglungsod ng Cebu City na nagpasa pa ng isang resolusyon ukol dito.

Dinala na ng Supreme Court en banc ang proposal sa Committee on Bar Examinations.

Isinasagawa ang bar examinations taon-taon sa Metro Manila at lahat ng mga examinee maging ang mga taga-Visayas at Mindanao ay kailangang lumuwas pa ng Maynila para kumuha ng pagsusulit. (UNTV News)

Mga mag-aaral sa Yolanda-hit areas, balik-eskwela na rin

$
0
0
(Twitter post via @unicefphils)  #BalikEskwela after #Haiyan/#YolandaPH: Pupils get to write & draw again, Teacher Dulce checks their exercises

(Twitter post via @unicefphils)
#BalikEskwela after #Haiyan/#YolandaPH: Pupils get to write & draw again, Teacher Dulce checks their exercises

MANILA, Philippines — Balik-eskwela na rin ngayong araw ang mga mag-aaral sa Tacloban City at iba pang lugar sa Eastern Visayas, dalawang buwan matapos manalasa ang Bagyong Yolanda.

Ito ay kahit hindi pa ganap na naaayos ang mga paaralan na winasak ng kalamidad.

Ayon sa Department of Education, puspusan na ang ginagawang paghahanda para sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ngayong araw sa tulong na rin ng United Nations Chilren’s Fund (UNICEF).

Sa Twitter account ng DEPED, ipinakita nito ang mga larawan ng mga tent ng UNICEF na magsisilbing silid-aralan hangga’t hindi natatapos ang pagtatayo ng mga nasirang gusali.

Muli ring nanawagan ang DEPED sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda na papasukin sa eskwela ang kanilang mga anak upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Isa rin itong paraan upang matulungan ang mga bata sa stress at trauma management dulot ng naranasang trahedya. (UNTV NEWS)

Proyekto ng UNTV at ADD na “Dunong Gulong”, muling kinilala sa CDO

$
0
0

Simula nang mailunsad ang proyektong ito ng UNTV at Ang Dating Daan sa pakikipagtulungan ng DEPED noong 2010 ay nakapaglingkod na ang Dunong Gulong Bus sa iba't-ibang mahihirap at liblib na mga pamayanan sa bansa. Kamakailan ay muling nakatanggap ito ng pagkikilala mula sa Cagayan De Oro City Government. (UNTV News)

Simula nang mailunsad ang proyektong ito ng UNTV at Ang Dating Daan sa pakikipagtulungan ng DEPED noong 2010 ay nakapaglingkod na ang Dunong Gulong Bus sa iba’t-ibang mahihirap at liblib na mga pamayanan sa bansa. Kamakailan ay muling nakatanggap ito ng pagkikilala mula sa Cagayan De Oro City Government. (UNTV News)

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines — Muling ginawaran ng pagkilala ng Department of Education sa Cagayan De Oro City ang UNTV (Public Service Channel) at grupong Ang Dating Daan (ADD) dahil sa proyektong “Dunong Gulong”.

Sa dalawang taong pamamalagi ng tinaguriang mobile school na Dunong Gulong bus sa Cagayan De Oro, malaki na ang naiambag nito upang maisakatuparan ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga out of school youth sa siyudad.

Sa tulong ng Dunong Gulong Bus, maraming out of school youth ang nakapagtapos na ng secondary level at marami na rin sa kanila ang mayroon ng magandang trabaho.

Hindi lamang sa mga mag-aaral nakatulong ang Dunong Gulong Bus kundi maging sa mga naging partners nito na lokal na pamahalaan sa Cagayan de Oro at Xavier University.

Bukod sa mga mag-aaral, malaking tulong rin ang Dunong Gulong Bus sa lokal na pamahalaan sa Cagayan De Oro at Xavier University.

Ayon kay Dr. Reynaldo E. Manuel Jr., Assistant Schools Division Superintendent, nagkaroon ng ideya ang kagawaran ng edukasyon na tularan ang mabuting hangarin na pinasimulan nina Kuya Daniel Razon at Bro. Eli Soriano.

Samantala , nagpasalamat naman ang Department of Education sa pangunguna ni Elena M. Borcillo, Schools Division Superintendent dahil naging kabahagi sila ng magandang adhikain na isinusulong ng UNTV at Ang Dating Daan.

Sa mga susunod na araw, aalis na ang Dunong Gulong Bus sa Cagayan De Oro at lilipat ng Tacloban. (Anne Sanchez / Ruth Navales, UNTV News)

School opening ng UP at Ateneo, ililipat na sa Agosto

$
0
0

UP and Ateneo logos. Credits: University of the Philippines and Ateneo De Manila University

MANILA, Philippines — Uumpisahan na ng University of the Philippines (UP) at Ateneo de Manila University ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Agosto.

Sa post mula sa Facebook page ng Philippine Collegian, opisyal na pahayagan ng University of the Philippines – Diliman Campus, nakasaad dito na sisimulan na ngayong Agosto hanggang Disyembre ang unang semester ng bago nilang academic calendar, habang ang ikalawang semestre ay magsisimula sa Enero hanggang Marso.

Ang bagong academic calendar ay epektibo sa mga campus ng University of the Philippines maliban sa Diliman campus dahil sa pagtutol ng ilang sektor.

Inanunsyo naman ng Ateneo de Manila University na simula taong 2015 ay ipatutupad na rin nito ang bagong academic calendar.

Batay sa isang tweet ng opisyal na twitter account ng Ateneo, nakasaad dito ang magiging pagbabago sa pagsisimula ng klase kabilang na ang Loyola School at professional schools ng Ateneo.

Mananatili naman ang skedyul ng grade school at high school ng Ateneo sa buwan ng Hunyo hanggang Marso.

Samantala, itinakda ng Department of Education (DepED) sa Marso 27- 28 ang graduation dates sa lahat ng mga pampublikong paaralan para sa elementary at high school. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)

P9.5B to fund hiring of 31,335 teachers — DBM

$
0
0

Photo Credits: Photoville International

From the Department of Budget and Management 

Secretary Abad: New hires to fast-track closure of teacher-supply gap by 2015

In view of the Aquino administration’s goal to ramp up education reform in the country, the Department of Budget and Management (DBM) released P9.52 billion in January to the Department of Education (DepEd) for the creation of 31,335 elementary and secondary teaching positions for School Year (SY) 2014-2015.

Charged against the Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) in the 2014 General Appropriations Act (GAA), the fund release will cover the fund requirements for Teacher I positions nationwide. The release gives DepEd the go signal for jump-starting the hiring process immediately, with all positions ideally filled out by April 1, 2014, in time for the beginning of classes.

The P9.52-billion release will support a specific number of Teacher 1 positions per region, as outlined below:

  

REGION

Proposed Allocation

Kinder/Elementary (Grades I to VI)

Secondary (Grades VII and VIII, and YR III and IV)

Total

REGION I

361

668

1,029

REGION II

  418

309

727

REGION III

1,260

2,494

3,754

REGION IVA

2,000

2,809

4,809

REGION IVB

672

646

1,318

REGION V

1,138

1,245

2,383

REGION VI

584

910

1,494

REGION VII

1,404

2,021

3,425

REGION VIII

721

937

1,658

REGION IX

532

605

1,137

REGION X

482

693

1,175

REGION XI

867

698

1,565

REGION XII

736

760

1,496

CAR

621

522

1,143

NCR

592

1,426

2,018

CARAGA

180

263

443

ARMM

1,170

591

1,761

TOTAL

13,738

17,597

31,335

Of the 31,335 positions, 13,738 new teachers will be hired at the elementary level (Grades 1 to 6), while 17,597 personnel are designated at the secondary level (Grades 7 and 8, YR III and IV). Region IV-A will hire the most number of teachers with 4,809 positions, followed by Region III with 3,754 and Region VII with 3,425 future hires.

“Hiring more teachers is essential to the Administration’s goal of improving the teacher-to-student ratio in our education system. For a long time, Philippine public schools were crippled by a shortage of teachers who can amply guide our schoolchildren in their academic pursuits,” Secretary Florencio “Butch” Abad said.

“The P9.52-billion release will give DepEd enough funding legroom to close the 33,194-teacher gap in public schools by 2015. It’s not just a matter of enhancing our public education system, but also of giving our students the chance to learn from qualified instructors who can equip them with skills that will be useful beyond the classroom,” he added.

DepEd has set standards to determine teacher requirements for different levels of education, such as setting the Teacher-Pupil Ratio of one teacher for an ideal number of students per class:

  • Kindergarten: 1 teacher to 25-35 students)
  • Elementary Multigrade (different levels in one classroom): 1 teacher for less than 30 students (Grades I-II, III-IV, V-VI)
  • Elementary Monograde (one level per classroom): 1 teacher for 40-50 students for Grades I-II; 1 teacher for 45-55 students for Grades III-IV; 1 teacher for 45-55 students for Grades V-VIII; and 1 teacher for 45-55 students for Secondary Level Years III-IV

“Education continues to be the government’s best bet in empowering the poor and opening up opportunities for their future employment. Along with the implementation of the extended Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) this year, the Administration’s work of addressing our public education gaps remains key in our bid for swift, sustainable, and inclusive growth, where Filipinos can truly benefit from the country’s economic gains,” the Secretary of Budget added.

dbm.gov.ph

Viewing all 142 articles
Browse latest View live